TALIWAS sa giit ng nakaraang administrasyon, higit pa sa 6,000 katao ang binawian ng buhay sa madugong giyera kontra droga na inilunsad ni former President Rodrigo Duterte sa unang 17 buwan ng panunungkulan sa Palasyo.
Sa pagdinig ng House Committee on Human Rights, inilahad ni human rights lawyer ang isang bahagi ng “extended resolution” na inilabas ng Korte Suprema kung saan lumalabas na umabot na sa 20,322 ang kabuuang bilang ng mga pinaslang sa unang 17 buwan pa lang nakaraang administrasyon.
Batayan ng Korte Suprema – year-end report na isinumite sa Palasyo ng Philippine National Police (PNP) na noo’y pinamumunuan ni Senador Ronald Dela Rosa.
Ayon pa kay Diokno, nabanggit din sa pagdinig ng Amora vs Dela Rosa case ang naturang datos na mula mismo sa PNP.
Sa naturang bilang, 3,967 ang napatay ng mga pulis sa police operation, habang nasa 16,355 naman ang pinatay ng riding in tandem.
“Simple mathematics would show, a little less than 40 people die everyday covering the first 17 months of the Duterte administration.”
Gayunpaman, iwas-pusoy si former Executive Secretary Salvador Medialdea. Aniya, di siya pamilyar sa mga numerong binanggit sa ulat ng PNP sa Palasyo sa kanyang panunungkulan sa naturang panahon.
“There were various figures floated – 6,000, 30,000 and now more than 20,000. We don’t know anymore which to believe,” wika ni Medialdea.
Bagamat aminadong nabigla sa ipinrisintang daos ni Diokno, nakapagtataka lamang aniyang hindi naghain si Diokno at iba pang human rights group ng class suit laban kay Duterte.
“This is unimaginable. I never realized this could happen.”
Sgot naman ni Diokno, walang nais maglakas-loob na pamilya ng mga biktima na manindigan lalo pa’t patuloy na kinatatakutan hanggang ngayon ang dating Pangulo.
