
BISTADO sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang bagong modus sa di umano’y bagong memorandum kung saan inaatasan ang mga bagong importers na maglagak ng “cash bond” para hindi maipit ang mga kargamento.
Sa kalatas ng BOC, partikular na tinukoy ng kawanihan ang anila’y November 21 memorandum na kumakalat sa social media.
Paglilinaw ng Office of the Commissioner, walang pagbabago sa panuntunan ng kawanihan, kasabay ng giit na hindi naglalabas ng anumang direktiba si Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Panawagan ng BOC sa mga importers, huwag magpa-uto sa hindi pa natutukoy sa grupo sa likod ng umano’y scam.