WALA nang pag-asa makalabas ng piitan ang tinaguriang “Pork Barrel Queen” matapos maglabas ng panibagong hatol ang Sandiganbayan.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, pinatawan ng 185 taong pagkakakulong si Janet Napoles kaugnay graft at sampung bilang ng malversation of public funds through falsification of document.
Para sa kasong graft, 15 taon ang hatol ng korte, habang 17 taon kada bilang para sa malversation.
Bukod kay Napoles, swak din sa kulungan si dating Agrarian Reform Undersecretary Jerry Pacturan na hinatulan ng 140 taon para sa 10 counts ng kasong malversation.
Guilty rin ang isang Evelyn de Leon ng 72 taon pagkakakulong para sa kasong graft at malversation.
Batay sa rekord ng korte, lumalabas na ipinanghingi ni Napoles ang 10 non-government organizations (NGO) ng P50 milyon para sa “farm inputs.” Subalit nang busisiin, natuklasan walang records ng proyekto ang mga NGOs na napag-alamang walang kinalaman sa “request” ni Napoles sa nabanggit na ahensya.
Inatasan ng korte sina Napoles at Pacturan na ibalik ng P50 milyon, habang P15 milyon ang pinababalik kay De Leon.
