DAPAT laging handa. Ito ang buod ng talakayan sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food sa mekanismo ng gobyerno laban sa pandaigdigang krisis bunsod ng patuloy na hidwaan sa Middle East.
“This briefing comes at a critical time. These are not abstract risks—they have direct and immediate consequences on food production, prices, and the livelihoods of millions of Filipinos,” bungad ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga na tumatayong chairman ng naturang komite sa pagbubukas ng pulong.
Ayon kay Enverga, walang dudang may mabigat na hamon sa local agriculture sector ang giyera sa Middle East kabilang na ang nangyayaring oil price shocks, gastusin sa logistics o pagbiyahe ng mga produkto at iba’t-ibang gamit sa agri productions.
Sa ilalim aniya ng liderato ni House Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos, higit na angkop tutukan din ang contingency plans na nakatuon sa suporta para sa mga magsasaka, pagpapatatag ng food supply chains sa bansa at maibsan ang pagsipa ng agricultural prices.
Una nang naglabas ng direktiba ang Pangulo para palakasin ang food security at tiyakin ang proactive government response sa tuwing may krisis na dala ng kaguluhan sa loob at labas ng bansa.
Ani Enverga, isa sa mga ikinababahala ng mga kongresista ay ang posibilidad ng global supply disruptions ng fertilizer, kung mayroong sapat na suplay at ano ang magiging presyo kasunod kahirapang maglayag ng mga barko sa Strait of Hormuz.
Iginiit din ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng agaran at epektibong paghahatid ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda dala ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Bilang tugon, sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na ang geopolitical tensions sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran ay nakakaapekto na sa global energy and trade markets.
“The prices of oil and fertilizers have risen considerably. This will affect the entire global agricultural supply and disrupt international trade. For the Philippines, this geopolitical shock poses serious risks not only to food affordability but even to food availability,” ani Navarro.
Sa panig ni Assistant Secretary U-Nichols Manalo, ipinabatid sa Kamara ang nakalatag na contingency measures ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura sa gitna ng nasabing krisis.
“We are targeting to provide assistance to about 4.17 million farmers and fisherfolk starting May,” ani Manalo kung saan mayroon umanong P10-billion Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk program sa ilalim ng 2026 budget.
“Each beneficiary is expected to receive around P2,325, with rice farmers receiving aid through digital transfers, while others will be covered through distribution caravans.To help offset rising fuel costs, the DA will provide “P5,000 per farmer and P3,000 per fisher.”
Sinabi rin ng Agriculture department official na ang fuel requirements para sa major agricultural commodities ng bansa ay aabot sa 505 million liters kada taon, o katumbas ng halagang P41 billion, kaya malaki talaga ang epekto sa agri sector ng bawat global oil price movements.
Matapos nito, tiniyak ni Enverga na masusing pag-aaralan ng komite kung sapat ang kasalukuyang aksyon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.
“Our objective is straightforward: to ensure that our farmers and fisherfolk are protected, our food supply remains stable, and our country is prepared for any escalation of global risks.”
