IPINASASAULI ng Kongreso ang mga protocol plates na may number 8 na inisyu ng mga naraaang Kongreso.
Kasabay nito ang pag-apela ni Secretary General Reginald Velasco sa lahat ng mambabatas na isumite na sa Secretary General’s Office ang anumang plaka na ginagamit pa nila.
“Kindly turn in these car plates to the Office of the Secretary General for proper acknowledgment,” sabi ni Velasco sa memorandum na may petsang Nobyembre 16, 2023.
Nauna rito, hiniling ni Velasco sa Land Transportation Office at Metropolitan Manila Development Authority na hulihin ang mga driver na gumagamit ng “8” plates at kumpiskahin ang mga paso ng plaka.
Ang plakang “8” ay para lamang sa mga sasakyan ng kongresista.
Sinabi ni Velasco na nais mula nilang kumpiskahin at alisin ang mga expired at pekeng plaka bago mag-isyu ng mga bago.