NASAWI ang apat na miyembro ng Philippine Army sa Banaue, Ifugao matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa schedule ng duty.
Kinilala ng mga biktima na sina Staff Sergeant Andrew Dulnuan, Civilian Active Auxiliary (CAA) Alfone Maguiwe, CAA Sanny Bumad-ang, at CAA Jebilie Banghuyao.
Ang suspect na si Banghuyao ay nagbaril din sa sarili gamit ang armalite na ginamit sa pamamaril sa mga kasama.
Ayon kay Police Major Richard Ananayo, hepe ng Banaue Police Station, nag-iinuman ang mga biktima sa loob ng kanilang kampo sa Barangay Viewpoint.
“Nagkaroon ng inuman sa mess hall nila. May naungkat na isyu regarding sa duty-han nitong mga Civilian Active Auxillary. Sabi ni SSG. Andrew Dulnuan sa suspek, pag-usapan nila kinabukasan na para mas maipaliwanag sa kaniya kung bakit ganoon ang sistema ng duty-han nila,” ayon kay Ananayo.
Pero sa halip, kinuha umano ni Banghuyao ang kaniyang armalite at pinaputukan ang mga kasamahan. Kasunod nito ay itinutok umano ng suspect ang baril sa sarili at saka kinalabit ang gatilyo.
Karagdagang Balita
LAND GRABBING BULILYASO: 23 SIKYU TIMBOG SA ANTIPOLO
13 CHINESE NATIONALS SILAT SA MINAHAN SA HOMONHON
GAS STATION SINALPOK, KOREANO TIMBOG