November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Kamara hahanap ng P2B pondong suporta sa rice retailers

NI JAM NAVALES

INATASAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Committee on Appropriations na gumawa ng paraan para makapaglaan ng P2 bilyon pondong pamamahagi sa mga rice retailers na apektado sa implementasyon ng price cap sa bigas.

“Our goal is to ensure that we can extend assistance to rice retailers who may be affected by this rice price ceiling, as it is a directive from our President aimed at protecting consumers,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

Direktiba ng lider ng Kamara sa Committee on Appropriations, makipag-ugnayan kay Budget Secretary Amenah Pangandaman para tingnan kung saan pwede humugot ng P2 bilyong gagamitin bilang cash support sa rice retailers.

Una nang tiniyak ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na higit pang mapalakas at patatagin ang food supply chain ng bansa.

Kaya naman sinabi nito na handa rin ang Lower House pangunahan ang pakikipag-usap sa mga lider ng iba’t-ibang samahan ng rice retailers sa bansa para dinggin ang kanilang panig hinggil sa naging hakbang ng Punong Ehekutibo – partikular sa usapin ng Executive Order 39.

“The government is not insensitive, so we want to listen to their concerns, and we will try to find a solution to address their fears of incurring losses,” aniya pa.

“We are aware that they have high costs from traders, but our priority is the public’s difficulty in buying rice,” pagtatapos ni Romualdez.