
WALANG plano ang pamahalaan maghintay sa tugon ng bansang China kaugnay ng tatlong dambuhalang proyekto.
Katunayan pa, ayon kay Undersecretary Cesar Chavez, determinado ang Department of Transportation (DOTR) na ibigay na lang sa iba ang isang bahagi ng kontrata kung hindi pa rin makipag-ugnayan sa ahensya ang China.
“Therefore, after a year and two months before this Committee hearing, the secretary has advised the team to meet with the China Eximbank, to ask them, do you really want us to give us a loan of P142 billion? Otherwise, without P142 billion, there is no civil works contract,” pahayag ni Chavez sa idinaos budget deliberation ng Kamara.
“By the end of December, the Department of Transportation will have to go back to NEDA to ask for guidance whether to still request funding from the China Eximbank or to terminate the project management consultancy, and also to withdraw the application, the reapplication for the China Eximbank,” dagdag ni Chavez.
Una nang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOTR na buhayin ang negosasyon sa China makaraang ibasura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang loan application ng Pilipinas sa naturang bansa.
Kabilang sa mga isinusulong na proyekto ng pamahalaan ang Subic-Clark Railway Project sa halagang ₱142 bilyon, ang Philippine National Railways South Long-Haul Project na may halagang ₱51 bilyon at ang Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project sa halagang ₱83 bilyon.
Pag-amin ni Chavez, walang nakalaang pondo sa mga naturang proyekto. Gayunpaman, pwede naman aniyang mangutang na lang ang Pilipinas sa ibang financial institutions.
Kabilang rin sa masusing pinag-aaralan ang pagbubukas ng proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).
“We may go to JICA, we may go to Asian Development Bank, we may go to foreign partners for the electromechanical and the government will still be in charge of the right way of Civil Works with a private contractor,” pagtatapos ng opisyal.