“IT is she who has destroyed her reputation.” Ito ang walang kagatol-gatol na litanya ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan kaugnay ng litanya ni Vice President Sara Duterte.

Tiniyak din ni Kapunan ang patuloy niyang pagkontra sa drama ni VP Sara at baluktot na naratibo ng mga kinuhang abogado.

Para kay Kapunan, ginagamit lang ng bise presidente ang pag-atras ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment para magmukhang biktima sa mata ng publiko.

Dagdag pa ng veteran court litigant, walang katotohanan na winasak ng prosekusyon ang reputasyon ng bise presidente sa pamamagitan ng pagprisinta ng mga ebidensya at testigo sa confidential funds at grave threats articles, subalit biglang babawiin nang hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang nasasakdal sagutin ang alegasyon sa impeachment court.

Giit ni Kapunan, ang usapin sa pagbawi ng tatlong impeachment articles ay hindi dapat mailihis sa pamamagitan ng pagtukoy sa gastos ng paglilitis.

Sinabi rin ng lady lawyer na ang mga pag-atake ni Duterte sa impeachment process ay hindi naman nagpapaliwanag kung paano ginamit ang pondo.

“It is she who is remaining silent about accountability for public funds,” ani Kapunan.

Sinalungat din ni Kapunan ang akusasyon ni Duterte na politically motivated ang impeachment trial laban sa kanya kung saan tahasang sinabi ng una na ginagamit pa ng huli ang proseso para mapansin.

“Who is using this impeachment trial as a political theater? “I don’t think she is the victim. It is the whole nation. It is the public that is the victim,” sambit ng private prosecutor.

Binigyan-diin ni Kapunan mayroong aabot sa P73-million na paggamit ni Duterte ng pondo ang unang inisyuhan ng Commission on Audit (COA) notice of disallowance hanggang sa iutos din ng state audit agency na ibalik ng bise presidente ang nasabing halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *