
GAMIT ang testimonya sa Kamara ang isang vlogger, ganap nang sinampahan ng kaso ang mga kapural sa likod ng pagpapakalat ng tinaguriang “polvoron video” na iniuugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) chief Jimmy Santiago, inihain ang kaso sa Department of Justice (DOJ).
Gayunpaman, hindi inukoy ni Santiago ang pagkakakilanlan ng mga sinampahan ng asunto. Hindi rin sinabi ng NBI chief kung anong kaso ang inihain sa DOJ.
Sa pagdinig ng tri-committee ng Kamara, kinanta ng isang Pebbles Cunanan si former presidential spokesperson Harry Roque na di umano’y utak sa paglikha at pagpapakalat ng video kung saan isang lalaing kawangis ni Marcos ang nakunan habang “bumabatak” ng droga.
Agad naman itinanggi ni Roque ang alegasyon ng vlogger na di umano’y bahagi ng “demolition team” na binabayaran ng kampo ni former President Rodrigo Duterte para sirain ng kredibilidad ni Marcos.
Ayon kay Cunanan, bahagi ng destabilization plot laban sa administrasyong Marcos ang pagpapakalat ng “polvoron video.”