Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
POSITIBO. Ganito inilarawan ng ilang ranking House officials ang isinusulong na koalisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 midterm election.
Para kay Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” Dy V, bilang miyembro ng Lakas-CMD, ang pagsasanib pwersa ng iba’t ibang partido para makabuo ng isang alyansa ay patunay na pagkakaisa pa rin ang isinusulong ng Pangulo.
“It is really just appropriate na under sa coalition and alliances between the parties na we continue on that path of unity for the sake of progress, for the sake of development in our country. Kaya naman po kami, ako po, on my part being a member of Lakas, ako po ay masaya na yun po ang kagustuhan ng ating mahal na Pangulo,” wika ng Isabela province lawmaker.
Dagdag ni Dy, tiyak siya na maging ang iba pang miyembro ng ruling party sa Kamara, ay sang-ayon din sa hangarin ng Punong Ehekutibo.
Maging si Committee on Agriculture and Food Vice Chairperson at Nueva Ecija 1st District Rep. Mika Suansing, nanindigan na pagkakaisa ang tanging daan para maabot ang pinaka-aasam na kaunlaran ng bayan.
“Actually, po may parte lang doon sa speech ng ating Presidente na nag standout sa akin, yung sa gawing dulo na sinabi niya na uhaw na rin yung mga Pilipino sa pagkakaisa, sa tunay na pagkakaisa. And I’m very excited because I believe this administration and our dear President is that factor that can really unite the different parties,” sambit ni Suansing.
“And of course, our Speaker, Speaker Martin Romualdez who is also our leader in Lakas CMD, we’ll defer to his wisdom in terms of working through this potential alliance across the different parties. But Speaker Romualdez also did a very, very good job in uniting the different parties within Congress to work together towards passing the landmark legislation,” dugtong ng Nueva Ecija lady solon.
Binanggit din ni Suangsing ang matagumpay na paggabay ni Speaker Romualdez para sa mabilis na pagpapatibay sa mga priority bills ng administrasyon, dala na rin sa kakayahan mangilak ng suporta ng lahat ng partido pulitikal sa House of Representatives.
Sinabi naman ni Assistant Majority Leader at Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora ng Nacionalista Party (NP), malugod niyang tinatanggap ang ang hamon ng Pangulo.
“We’re very very happy na gusto niya makipag-coalesce sa iba’t-ibang partido lalo dito sa House. Magandang balita yan sa amin kasi ibig sabihin nun kaisa namin ang Presidente. Hindi lang siya nagsosolo sa kanyang partido pero kaisa kami. And it will always bring us forward, mas maganda po iyon na nagkakaisa po kaming lahat,” saad naman ni Zamora.
Isang magandang pangitain naman para sa kinabukasan ng bansa ang nakikita ni Deputy Majority Leader at TINGOG partylist Rep. Jude Acidre “sa panawagan ng Presidente na magkaisa ang mga partido pulitikal sa pagsulong ng isang common agenda.”
Ani Acidre ang accomplishment record ng kasalukuyang liderato ng Kamara, partikular ang maagap na pag-apruba sa priority bills ng Marcos administration ay isang matibay na pruweba na magandang nagagawa kung ang mga partido ay mayroong pagkakaisa.
“Kasi tulad nga po ng ipinakita ng liderato ng ating Speaker ay mas maganda ang resulta kung tayo’y nagsasama-sama at nagtutulungan. Marahil itong panawagan ng ating Pangulo na magkaisa na ang mga partido political ay magiging magandang pangitain po para sa kinabukasan ng ating bansa, kung saan pwede na nating santabi ang politika at ituon ang isip sa trabaho.”
