
Ni Estong Reyes
Kung hindi seryoso ang administrasyon na maimbestigahan ang malawakang koraapsiyon sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kaiilangan nang pumasok at talupan ng Senado ang anomalya pagbibigay ng prangkisa, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
“A Senate investigation into the alleged corruption in the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) is in order “if no one seriously pursues it,” ayon kay Pimentel nitong Huwebes.
Isinagawa ni Pimentel ang panama matapos manawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng independent probe sa hinihinalang corrupt practices sa transportation regulatory body.
“If NBI will investigate then [okay] na pala. ‘Pag walang mag – take charge then Senate should come in because of the public interest issue,” ayon sa text message ni Pimentel sa reporters.
“If no one seriously pursues this issue then I will file a [resolution] for the Senate to investigate this,” giit pa niya.
Samanatala, pinaimbestigahan din ni Senate public services committee chairperson Grace Poe ang agarang pagbawi ni Jeff Tumbado sa kanyang paratang na korapsiyon sa LTFRB.
“Kaduda-duda na nag-retract. Ano ba ang tunay na dahilan na binawi ito[?] Dapat imbestigahan bakit niya binawi ang kanyang salaysay,” ayon kay Poe sa hiwalay na text message.
“Kasuhan siya kung walang basehan at tingnan kung may nag-udyok sa kanya na bawiin ang kanyang mga nasabing alegasyon. Sabi nga, kung may usok, malamang may nasusunog,” dagdag niya.
Ayon kay Poe, hindi dapat kinokonsinti ang false testmonies kaya kailangan magsagawa ng akmang awdit sa LTFRB.
Umaasa din si Poe na mayroon pang “legitimate whistleblowers” ang lalantad upang tumestigo sa anomalya sa alinmang ahensiya ng pamahalaan.
Nitong Miyerkoles, binawi ni Tumbado ang kanyang alegasyon ng korapsiyon laban kay Bautista, at kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Teofilo Guadiz III.
“After a careful reflection and deliberation, it is my honest desire to reiterate whatever allegations may have been said during the press conference on October 9, 2023 where the public declaration was made were all unintentional and misguided,” ayon kay Tumbado sa kanyang affidavit.
“All of the things said were borne out of impulse, irrational thinking, misjudgment, poor decision making,” dagdag niya.
Inakusahan ni Tumbado si Guadiz na nagdadala ito ng corruption money kay Bautista. May dalawa pang kongresista ang nakakolekta ng P5 milyon sa transaksiyon tulad ng pagbubukas ng bagong ruta o prangkisa.