President Rodrigo Roa Duterte introduces Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. founder and lead Pastor Apollo Quiboloy to Sulu Governor Abdusakur Mahail Tan during his visit to Camp Teodulfo Bautista in Jolo, Sulu on June 4, 2019. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO
Ni EDWIN MORENO
GANAP nang pinawalang-bisa ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng hindi bababa sa 19 na armas na pag-aari ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo.
Bukod kay Quiboloy, kanselado rin ang license to own and possess firearms (LTOPF) ng isang Ingrid Canada na kapwa akusado sa patong-patong na kasong isinampa laban sa religious leader na higit na kilalang malapit kay former President Rodrigo Duterte.
Sa isang press briefing, kinumpirma rin nii Fajardo ang paglagda ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa rekomendasyon ng Firearms and Explosive Office (FEO) na nagtulak bawian ng lisensya si Quiboloy.
Kalakip ng pagbawi ng LTOP ni Quiboloy at Canada, naglabas din si Marbil sa kampo ng dalawang akusado na isuko ang mga armas sa lalong madaling panahon.
Basehan ng PNP sa kanselasyon ng LTOP nina Quiboloy at Canada – Section 4G ng Republic Act 10591 kung saan nakatala ang panuntunan ng pribilehiyong magmay-ari at ng baril – “Malinaw doon sa Section 4 at nakalagay doon ang sinumang akusado sa kasong may karampatang parusang pagkakulong ng higit pa sa dalawang taon ay hindi pinapayagan na magkaroon at magparehistro ng baril.”
Anim na buwan ang ibinigay na palugit ng PNP sa abogado ng mga akusado para isuko ang mga nasabing armas.
Gayunpaman, hindi sang-ayon ang abogado ni Quiboloy. Ayon kay Atty. Israelito Torreon, maghahain sila ng motion for reconsideration sa husgado.
