Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KUMBINSIDO ang pamunuan ng Kamara na magagawa ng Kamara pagtibayin sa huling bahagi ng 19th Congress ang mga panukalang batas na magbibigay-daan sa mataas na ani ng mga magsasaka.
Para kay House Speaker Martin Romualdez, malaking bentahe sa isinusulong na abot-kayang presyo ng bigas at iba pang pagkain ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Sa kanyang talumpati sa pagbabalik-sesyon ng Kamara, tiniyak ni Romualdez ang doble-kayod ng Kamara para sa kinakailangang infrastructure, teknolohiya at pananalapi para lumago ang ani at kita ng mga magsasaka.
“By augmenting the rice supply and managing prices, rice becomes more affordable and thus, accessible to all Filipinos,” pahayag ng lider ng Kamara.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag kasabay ng pahayag ng pasasalamat sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tariff cut sa imported rice – 15% mula sa dating 35 percent.
Target din aniya ng Kamara mapatatag ang purchasing power ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkontrol sa inflation at pagpapababa sa presyo ng kuryente matapos bigyan-pansin ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
“The amendment to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), which we must finish in December, is expected to further ease inflation,” ani Romualdez.
Binanggit din niya ang pulong kay Japanese Speaker Fukushima Nukaga, at iba pang ranking Japanese lawmakers para naman sa pagpapalakas sa defense and security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“During the meeting, we made a firm commitment to expand the trilateral cooperation among the Philippines, Japan, and the United States,” aniya pa.
