
SA pagtatapos ng itinakdang ultimatum ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nasa 11,000 foreign workers mula sa mga pinasarang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nananatili sa bansa, pag-amin ng Bureau of Immigration (BI).
Gayunpaman, tiniyak ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ikinasa na ng ahensya ang paghahanap sa 11,254 dayuhan para isailalim sa deportation proceedings.
Katunayan aniya, isang direktiba sa Intelligence Division ng kawanihan na ang inilabas ng kanyang tanggapan para matunton ang mga foreign POGO workers na pasok na sa kategorya ng illegal alien.
“I have ordered our intelligence division to initiate the search for those at large. They are considered illegal aliens now. Expect an intensified manhunt against these illegal aliens. The order of the President is clear. No more POGO in the Philippines. Foreign nationals who continue to disobey this will be arrested, deported, and blacklisted. No exceptions,” ani Viado.
Garantiya ng Immigration chief, agad na ipapa-deport ang mga nayurang dayuhan sa sandaling matunton ng mga operatiba – kahit pa nakapag downgrade ng passport.
Babala ng Viado, kakasuhan ang mga kompanyang nagtatago ng mga foreign POGO worker sa bansa.
Samantala, hinimok naman ni BI Spokesperson Dana Sandoval ang mga naturang dayuhan na sumuko na lang sa mga awtoridad.
“Sumuko sila so they can be deported in a more quiet way. Ilalabas na lang sila,” ayon Sandoval.