MATAPOS bumida sa eskandalo bunsod ng pasabog ni SAGIP partylist Rep. Rodante Marcoleta, masusing pinag-aaralan ni Commision on Elections (Comelec) chairman George Garcia na sampahan ng kaso ang kongresistang nagbunyag ng di umano’y 49 offshore bank accounts na pinaglagakan ng P1-bilyong suhol ng South Korean automated elections system provider na Miru Systems.
Ginawa ni Garcia ang pahayag kasabay ng muling pagtanggi sa alegasyon ni Marcoleta laban sa hindi pinangalanang Comelec official na di umano’y tumanggap ng bonggang ganansyang itinago sa iba’t-ibang bangko sa ibang bansa.
Giit ni Garcia, pawang kathang isip ang paratang ni Marcoleta. Peke din aniya ang mga ibinunyag na bank accounts kung saan nakadeposito ang P1-bilyong suhol.
Kabilang sa mga kasong target ihain ng Comelec chief ang falsification.
“Kung sakali sakaling mapapatunayan kong falsification ito, na mali mali at hindi totoo ang accounts, ako mismo ang mag file ng kasong kriminal” banta ni Garcia.
