HINDI mananahimik ang sambayanan hanggat hindi paiwawasto ang maling sistema sa pamahalaan. Ito ang giit ng grupong People’s Budget Coalition kasabay babala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y P243-bilyong unprogrammed funds sa inaprubahang 2026 national budget.
Paglalarawan ng PBC, malinaw na “presidential pork barrel” ang naturang halaga.
Panawagan ng grupo sa Pangulo, huwag pirmahan at gamitin ang veto power para kalusin ang P243-bilyong ipinasok sa P6.79-trillion General Appropriations Bill na inaprubahan sa bicameral conference committee ng Senado at Kamara.
Ayon kay PBC co-convenor AJ Montesa na walang safeguards at transparency para sa public accountability ang standby funds — bukod pa sa labag sa Section 25, Article 6 ng 1987 Constitution ang pagpapatibay ng national budget na wala sa orihinal na rekomendasyon ng Pangulo.
“Our recommendation right now is for the President to veto it. Wholesale itong unprogrammed appropriations. Kailangan muna ire-solve yung issue,” wika ni Montesa.
Hirit pa ng PBC kay Marcos, magbigay hudyat sa Department of Finance para sa agarang pagbabalik ng P60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inilipat sa National Treasury.
Wala rin aniyang dahilan magsubi ng “standby funds” lalom pa’t may sapat na alokasyon naman umano para sa kalamidad at iba pang hindi inaasahang gastusin ng pamahalaan.
“There is a contingent fund, there is a calamity fund. There are different funds that will address different contingencies. But itong unprogrammed allocations nagagamit lang nga siya to go beyond the scope of the program budget,” aniya pa. (ESTONG REYES)
