HAYAGANG tinabla ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang mungkahing payawan ng mas mataas na buwis na kalakip ng binibiling luxury items ng mga nakakariwasa.
Pag-amin ni Diokno sa pagbubukas ng budget deliberation sa Kamara, wala sa prayoridad ng kanyang departamento ang anumang nagsusulong ng mas mataas na buwis sa mga luxury items na aniya’y pinapatawan na ng 20% tax.
Bukod aniya sa mahirap ipatupad, madali rin aniyang iwasan ng mga mayaman ang pagbabayad ng buwis lalo pa’t madaling itago tulad ng mga brilyante.
Sa naturang pagdinig, direktang tinanong ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara si Diokno kung ano pa ang pwedeng gawin ng administrasyon matapos tablahin ang tinaguriang billionaire’s tax at pagpapataw ng dagdag-buwis sa mga luxury items na binibili ng mga mayaman.
“I was wondering, do you have anything on your table that proposes a proportional tax, a luxury tax, or a wealth tax? Is that something you would consider?” tanong ni Vergara.
Sagot ni Diokno – “When you propose a tax, one nice property of a tax is it should give you a high yield and the administrative cost should be very minimal… For example, if you wanna tax diamonds, you’re practically not going to collect anything because that’s easy to hide.”
“Sometimes when you also try to tax a luxury good, people will just go abroad and buy it there… Luxury tax is not part of our proposal at the moment,” dagdag pa ng Kalihim.
Una nang inungot ni Albay Rep. Joey Salceda ang pamahalaan na gawing 30% ang buwis para sa mga alahas, pabango at yate – bagay na inayunan noon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN