
HINDI man lumusot sa Commission on Appointments, mananatili pa rin sa pamahalaan ang si dating Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.
Ang bagong destinasyon ng beteranong peryodista – Kamara de Representantes.
Mahugong ang usa-usapan sa Kamara ang di umano’y napipintong pagpasok ni Tulfo bilang partylist representative sa ilalim ng ACT-CIS matapos magbitiw si ACT-CIS third nominee Jeffrey Soriano.
Batay sa umiiral na panuntunan ng batas na lumikha ng partylist system, pwedeng pumalit si Tulfo sa pwestong iniwan ni Soriano. Sa talaan ng Commission on Elections (Comelec), 4th nominee si Tulfo.
Pebrero 22 nang ilabas ng Kamara ang desisyon kaugnay ng inihaing pagbibitiw ni Soriano noong Pebrero 6 ng kasalukuyang taon.
“I move that we accept the resignation of Representative Jeffrey Soriano and for the secretary general to be instructed to drop from the roll of members of House, Representative Soriano effective immediately,” ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe.
Bago nagbitiw bilang kongresista, nanungkulan si Soriano sa Kamara bilang assistant majority leader, vice chairman ng tatlong maimpluwensyang komite at majority member ng anim na iba pang House committees.
Sa maikling panahon bilang partylist representative, nakapag-akda si Soriano ng 110 panukala.
Mayroong tatlong kongresista ang ACT-CIS sa Kamara