
WALA nang dahilan para panatilihin ang operasyon ng National Food Authority (NFA), ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG). Ang dahilan – wala ng silbi sa hanay ng mga magsasakang Pilipino.
Ayon kay SINAG president Rosendo So, hindi ginagampanan ng NFA na aniya’y umaasa na lang sa pag-angkat ng bigas mula sa mga karatig bansa, ang nakaatang na mandato batay sa batas na lumikha ng nasabing ahensya ng gobyerno.
“They’re not buying from our farmers anymore. They’re buying from Vietnam, India. They’re negotiating on rice. What’s this,” ani So kasabay ng paratang sa NFA sa paggamit ng pondong sadyang inilaan para pambili ng ani ng mga lokal na magsasaka.
“They might use the money allocated to buy domestically produced palay to acquire imported rice again,” dagdag pa ni So.
Partikular na tinukoy ni So ang P8.5 bilyong nakalaan pambili dapat ng NFA ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Para sa SINAG, taliwas ang ginagawa ng NFA sa adyenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – ang palakasin ang produksyon ng palay.
“If the NFA will not help the country’s grain and farming industry by buying domestically produced rice, then the agency should be abolished,” giit pa niya.
“Since they are running contrary to the President, the NFA is not helping by buying ‘palay,’ then we should just abolish the NFA.”