NI JAM NAVALES
WALANG bahid alinlangan na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang responsible sa malawakang blackout sa Panay Island kamakailan, ayon kay AnaKalusugan partylist Rep. Ray Reyes, kasabay ng panawagan patawan ng kaukulang parusa ang 40% Chinese-owned power utility firm.
Ayon kay Reyes, ang kabiguan ng NGCP na tapusin sa takdang panahon ang ilang proyekto ang tanging dahilan kung bakit nagdusa sa ilang araw na power outage ang mga residente ng naturang rehiyon.
“For the longest time we have been calling out NGCP for the delays in its projects – some of which have reached decades without completion,” sabi ni Reyes.
“But instead of upgrading our system, they’ve prioritized massive dividends and lavish celebrations to their shareholders and directors,” dismayadong pahayag ng neophyte lawmaker, na siya ring vice-chairperson ng House Committee on Health.
Giit ni Reyes, naiwasan sana ang malawakang pagkawala sa suplay ng kuryente sa Western Visayas region kung natapos agad ng NGCP ang Panay-Negros-Cebu Interconnection Project nito.
“The completion of the Panay-Negros-Cebu backbone project has been moved 6 times from the original target date of December 2020. 2024 na po at ang mga kababayan na naman natin ang nagdurusa dahil sa kanilang kapabayaan,” paglalahad ng AnaKalusugan congressman.
Bukod dito, kinastigo rin ni Reyes ang kawalan ng sapat na paghahanda ng NGCP kung saan noong Abril ng nakaraang taon ay nangyari na rin ang kahalintulad na insidente.
“There’s no excuse given na nangyari na ito last year. They should have been better prepared in handling and preventing these types of disturbances,” giit pa ni Reyes.
“Malinaw na malinaw naman po kung sino ang may kasalanan at pagkukulang sa pagkakataong ito. What we need right now is to hold those responsible accountable for the severe impact on people’s lives and economic activities,” dagdag pa niya.
Kaya naman suportado ni Reyes ang hakbang ng mga kapwa kongresistang nagtutulak ng Congressional inquiry “in aid of legislation.”
