
TULAD ng iba pang tanggapan ng gobyerno, may katiwalian din sa loob ng National Irrigation Administration (NIA), ayon mismo kay Acting Administrator Eduardo Guillen.
“I think sabi po nila lahat daw po yata ng — kahit abroad po — lahat po ng organisasyon meron pong certain corruption,” pag-amin ni Guillen nang tanungin ni Senador Raffy Tulfo sa ginanap na pagdinig ng Senado kaugnay ng alegasyon hinggil sa patuloy na pamamayagpag ng korapsyon sa sa mga irrigation projects ng ahensya.
Hindi naman ikinalugod ang sagot ni Guillen kasabay ng giit na huwag idamay sa imbestigasyon ng senado ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Paliwanag ni Tulfo, hindi matutuldukan ang suliranin sa katiwalian kung hindi aaminin ng pamunuan ng NIA na may korapsyon sa naturang tanggapan.
“I’m just talking about NIA. Let’s accept it. The only time you can solve a corruption problem in your agency that you handle, is to accept that there is corruption. Kasi, if you don’t accept that there is corruption, how can you solve that corruption problem? Denial is not the right answer to solve any problem,” ani Tulfo.
Dito na hayagang inamin ni Guillen na may kaliwalian sa NIA – Yes po. Kaya inaayos natin iyong sistema.”