TALIWAS sa inaasahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), iginawad ng Korte Suprema ang hirit na Writ of Amparo ng dalawang aktibistang dinukot ng militar noong nakaraang taon.
Bukod sa Writ of Amparo, pinagtibay din ng husgado ang and habeas data, gayundin ang temporary protection order, sa environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.
Sa 18-pahinang desisyon, sinabi ng Korte Suprema na may nakitang mga elemento ng enforced disappearance sa naturang kaso.
Matatandaang iniharap ng NTF-ELCAC sa isang pulong balitaan noong nakalipas na taon sina Tamano at Castro bilang rebel returnees. Subalit sa gitna ng programa, biglang balikwas ng dalawang aktibista, sabay giit na totoong dinukot sila at tinakot lang para lumagda.
Kamakailan lang, kinatigan ng Department of Justice (DOJ) ang tahi-tahing kwento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at NTF-ELCAC, kadabay ng mungkahing samahan ng grave oral defamation ang asunto laban kina Tamano at Castro. (ROSE NOVENARIO)
