MATAPOS ang dalawang magkasunod na baryangb rollback, agad na bumawi ang mga kumpanya ng langis sa bisa ng isang big-time oil price hike.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang ipatutupad na dagdag-presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo. SA pagtataya ng DOE, P1.60 ang inaasahang umento sa presyo kada litro ng krudo, P1.06 naman sa gasolina habang P1.26 naman sa kerosene.
Kabilang naman sa nakikitang dahilan sa likod ng dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo ang hidwaan sa gitnang-silangang bahagi ng Asya.
