ANG mga kongresista ng Kamara, hindi limitado sa pagbabalangkas ng batas — dapat marunong din sumunod sa umiiral na batas.
Ito ang giit ng Commission on Elections (Coelec) matapos isuspinde ang proklamasyon ng dalawang partylist groups na nagwagi sa katatapos lang na 2025 national and local elections.
Sa isang resolusyon ng Comelec, hindi kasama sa talaan ng mga waging partylist groups ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon. Ang dahilan — kapwa may mabigat na paglabag sa batas.
Ayon sa poll body, may nakabinbin pang kaso ang Duterte Youth — na higit na kilala sa red-tagging — kaugnay ng isyu sa kanilang registration noong 2019, habang lumabag naman ang Bagong Henerasyon sa Section 261 (i) ng Omnibus Election Code.
Tatlong upuan ang nakuha ng Duterte Youth para sa 20th Congress at isang upuan naman ang sa Bagong Henerasyon.
