MARAMI pa rin sa sektor ng mga nakatatanda ang walang mapagkunan ng salaping pambili man lang ng gamot, ayon kay Senador Bam Aquino, kasabay ng paghahain ng panukalang naglalayon palawakin ang saklaw ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Sa ilalim ng Senate Bill 269, target ni Aquino bigyan ng angkop na pagkilala ang ambag sa lipunan ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pagtaas ng buwanang pensyon sa P1,000 — mula sa umiiral na P500.

Tampok sa panukala ni Aquino ang pamamahagi ng ng P1,000 social pension kada buwan ang mga senior citizens na tumatanggap ng mas mababa pa sa P3,000 buwanang tulong mula sa gobyerno.

Layunin aniya ng SB 269 tiyakin na mapagkukunan ang mga Pilipinong edad 60 pataas ng kita na maaaring gamitin para sa pang-araw-araw na gastusin, pangangailangang medikal, at mga emergency.

“As we grow older, it becomes more difficult to generate income. Many of our lolos and lolas face barriers to staying employed after the age of 60 due to physical limitations, age-based discrimination, or the lack of opportunities tailored to their skills,” wika ni Aquino.

“Unlike irregular or informal sources of support, a pension allows recipients to manage their resources with more certainty. This reduces stress, promotes better well-being, and allows older people to make personal choices about how their money is spent,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng senador na makakatulong din ang pinataas na social pension para mabawasan ang pinansyal na pasanin sa mga pamilyang lubhang nahihirapan sa pang-araw-araw na gastusin, tulad ng pagkain, gamot, at edukasyon.

“A pension can help cover food, medicine, utility bills, or transportation costs, easing the financial pressure on younger relatives who may already be juggling their own expenses,” anang mambabatas.

Ayon kay Aquino ang panukalang pagtaas ng pension ay isang paraan din para kilalanin ang naging ambag ng senior citizens sa bansa.

“Our senior citizens have broadly contributed to the development of our nation. It is time for us to return their sacrifices by ensuring that they are cared for in their old age.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *