
TUMATAGINTING na P2.20 kada litro ang ipapataw na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes, ika-18 ng Hulyo ng taong kasalukuyan.
Batay sa pagtataya ng mga oil industry players, maglalaro sa P1.90 hanggang P2.20 ang umneto sa presyo ng gasolina at krudo kada litro habang ang presyo ng kerosene ay tataas ng mula P1.70 hanggang P1.90 kada litro.
Paliwanag ni Jetti Petroleum President Leo Bellas, lubhang apektado ng paggalaw sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado ang pasya ng bansang Russia na magbawas ng suplay.
Higit na kilala ang Russia at ang karatig bansang Ukraine (na nasasadlak sa isang digmaan) bilang pangunahing supplier ng krudo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Wala pang pahayag ang mga public transport groups hinggil sa nakaambang dagdag-presyo sa bentahan ng mga produktong petrolyo.