TARGET ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. paimbestigahan ang di umano’y pagbebenta ng bigas sa halagang P50 kada kilo sa mga Kadiwa Centers.
Ayon sa Pangulo, maging siya’y nabigla matapos makatanggap ng ulat hinggil sa presyo ng bigas na binebenta di umano sa mga Kadiwa Centers na sadyang nilikha para tugunan ang mataas na presyo ng bilihin sa mga pamilihan.
Pag-amin ng Pangulo, di niya batid na may ganun na kamahal ang bigas sa mga Kadiwa Centers kung saan di umano siya nagpabili minsan at nakakuha ng bigas sa presyong P29 kada kilo.
Suspetsa ng Pangulo, hindi galing sa gobyerno ang mahal na bigas na sinasabi sa mga naglabasang ulat.
“Nagpapabili tayo — ang binebenta natin na bigas is 29 pesos kaya’t hindi ko alam yung 50 pesos baka hindi sa amin galing ‘yun, baka sa ibang source ‘yun,” wika ni Marcos, kasabay ng giit na P29 kada kilo ang takdang presyo ng bigas sa mga Kadiwa Centers.
