BAHAGYANG pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdadalamhati ng mga namatayan ng kamag-anak bunsod ng magnitude 7.8 na lindol sa General Santos City at mga karatig lugar.
Kasabay ng pagbisita sa mga apektadong lugar sa katimugan, tiniyak ni Marcos na tatanggap ng tig-P50,000 ang mga pamilyang naulila.
Bukod sa abuloy, ibinida rin ni Marcos ang pagbibigay ng P100 million sa pamahalaang lungsod ng General Santos City para ipaayos ang city hall na napinsala bunsod ng malakas na pag-uga ng lupa.
“Lahat ng pamilya na may casualty, nabiktima, nasawi ay magbibigay tayo ng tig-P50,000 para tulong sa kanilang namatay na mahal sa buhay,” anang Pangulo.
Huhugutin aniya ang pondo mula sa Local Government Support Fund (LGSF)
Hindi rin pinalampas ng Pangulo ang pagkakataon ang sektor ng manggagawa. Aniya, magbibigay rin ang pamahalaan ng P5,000 sa bawat obrerong nawalan ng trabaho dahil sa delubyo – sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS)
