Ni EDWIN MORENO
BILANG bagong Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), unang pagtutuunan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang aniya’y padrino system sa loob ng Philippine National Police (PNP).
Bilang pambungad na hakbang, target ni Remulla bawasan kung hindi man tuldukan ang impluwensya ng pulitika sa organisasyon ngayong siya na ang pinuno ng DILG.
“I want to depoliticize or minimize the politics inside the organization kasi ngayon ay very political na siya. There are a lot of verified gentlemen in service in a lot of verified gentlemen who cannot get promoted dahil hindi sila malakas na nakaupo. I’d like this today merit based system for evaluation on the end of an independent body, makikita talaga ang kanilang merits and demerits,” wika ni Remulla.
Para tiyakin patas ang proseso sa promotion at pwesto kasabay ng pagbuwag sa palakasan system, nagtakda ng pulong si Remulla sa hanay ng mga opisyales ng PNP.
Inaasahan din nang pagtalakay ng bagong Kalihim sa umiiral na panuntunan sa promosyon at re-assignment sa mga opisyal ng pambansang pulisya.
