Ni Lily Reyes
PINAG-AARALAN umano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na buksan at payagan ang pag-update ng personal na impormasyon sa database ng National ID sa Oktubre.
Ayon kay National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang pilot program para sa pag-update ng database ay isinasagawa at posibleng ilunsad ito ng PSA sa lalong madaling panahon.
Sinabi pa na maaari nang ma-update ng publiko ang mga pagbabago sa pangalan at katayuang sibil pati na rin ang pagwawasto ng pagpasok sa petsa at lugar ng kapanganakan.
“Promising naman ang results. Ito’y iro-roll out natin kasi kailangan nating balikan ang ating mga kababayan na nagkaroon ng changes sa information nila lalo na sa demographic information nila para maitama ito sa database ng National ID system,” pahayag ni Mapa.
Ang National Capital Region (NCR) at Region 6 ang napili para lumahok sa pilot program. Idinagdag pa ng opsiyal na ang PSA ay naglalayon na makabuo ng mga corrected national ID bilang karagdagan sa target na 92 million physical national IDs na nai-print sa Setyembre 2024.
Karagdagang Balita
DOE: BIGTIME OIL PRICE HIKE NAMUMURO SA MARTES
BONG GO SA POGO BAN: LAHAT SAGASAAN, WALANG IIWANAN
47 PANGGULO SA SENATORIAL RACE, KINAPON NG COMELEC