Ni Ernie Reyes
ITINUTURING na ilegal ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang anumang pagbabago sa enrolled Maharlika Investment Bill matapos itong aprubahan ng Kongreso.
Ganito ang reaksiyon ni Pimentel matapos lagdaan ni Senate President Miguel Zubiri saka sinabing may ilang “corrections” ang isinagawa ang panukala na masusing tinalakay ng majority block sa kanilang Vibe group bago itong lagdaan nitong Miyerkoles.
Kabilang dito ang isang letter of corrections ni Sen. Mark Villar, ang principal author at sponsor ng panukala sa Senado.
Dahil dito, inihayag ni Pimentel na kuwestiyonable ngayon ang integridad at constitutionality mng panukala dahil binago ito nang walang awtoridad ng plenaryo.
“The enrolled bill being sent to the president is not the version properly and formally approved by Congress. Mayroong provision diyan na ginalaw [There are provisions changed] without plenary authority,” ayon kay Pimentel.
Binatikos din ng Makabayan bloc ang “unconstitutional” legislation ang ginawa ng ilang mambabata sa kanilang Viber group na lantarang Pagbasura sa demokratikong proseso.
“This makes a mockery of the constitutional requirement of transparency when the legislature deliberates on and approves laws,” ayon sa grupo.
Hiniling ng gurpo kay Zubiri na bawiin ang panukala dahil gumagawa ang nagpanukal ng underhanded tactics upang isulong ang kanilang agenda.
Ipinanawagan naman ni Pimentel sa Palasyo na huwag lagdaan ang panukala.
“It is not timely as the world economy and geopolitical situations are bad. This kind of a law needs more time to be discussed by the Filipino People themselves, in fairness to them,” ayon kay Pimentel.
Samantala, inihayag naman ni Senate President Pro Tempore Loren Legardana bahagi ng legislative process ng panukala ang isinagawa ng majority bloc sa kanilang Viber group.
“It might have been part of a whole process but not the only process. Those were not the only conversations. Of course, there must have been face-to-face meetings. I’m sure they went to the Senate, they talked to the secretariat” aniya saka binanggit na walang Rules na nilabag.
Nananatiling nakalayo naman si Senador Imee Marcos sa Maharlika bill dahil sa pagdududa sa kontrobersiyal na panukala.
“Alam naman ninyo na hindi ako nakilahok sa Maharlika bill dahil tulad ng maraming Pilipino, marami akong pangamba tungkol dyan… Sa tingin ko, masyadong hinog sa pilit at marami akong hindi naintindihan at maraming duda at pangamba,” aniya.