MATAPOS ulanin ng kabi-kabilang batikos ng mga lokal na mangingisda, dinepensahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) kaugnay ng hakbang na nagbigay-daan sa padami ng mga fishpen na pag-aari ng mga pribadong korporasyon.
Katwiran ng DENR, tumalima lamang ang LLDA sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mga baybayin ng Laguna de Bay.
Partikular na tinukoy ng DENR ang lake-sharing agreement ng LLDA sa mga pribadong kumpanya na anila’y alinsunod sa programa ni Marcos para sa sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat.
Paliwanag ng DENR, hindi kaya ng mga maliit na mangingisda tumbasan ang mataas na demand ng isdang tabang na binebenta sa Metro Manila at karatig probinsya.
Sa ilalim lake-sharing agreement sa pagitan ng LLDA at mga pribadong korporasyon, pinaliit ang tinaguriang “common fishing area” ng mga maliit na mangingisdang umaasa sa pamamalakaya sa Laguna de Bay, habang dinoble na naman ang alokasyon sa mga private fishing companies.
“The President’s directive increasing the 25 hectares to 50 hectares is basically the reallocation and resumption of operations of the previously reduced fishmen area by old or existing fishmen permit holders,” saad ng DENR sa isang pahayag.
“The total fisheries production of Laguna de Bay from both capture fisheries and aquaculture used to supply more than two-thirds of the freshwater requirement of Metro Manila and adjoining provinces,” dagdag pa ng kagawaran.
Batay sa LLDA Board Resolution No. 2024-656, meron na lang 4,876 ektaryang common fishing area libo-libong mangingisda sa pinakamalaking lawa sa bansa
Giit ng DENR, malaki ang ambag ng tinawag nilang “aquaculture operation” ng mga pribadong korporasyon na anila’y nagbibigay kita sa gobyerno at lumilikha ng trabaho.
