NI LOUIE LEGARDA
ASAHAN ang madalas na biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na taon, matapos humiling ang Palasyo ng higit sa isang bilyong piso para tustusan ang local at foreign visits
Partikular na tinutulak ng Office of the President (OP) ang P1.018 bilyong pondo na anila’y hindi hamak na mas mababa kumpara sa P1.29 bilyon na nakalaan sa ilalim ng 2025 national budget.
“Makikita po natin talaga ang Pangulo ay madalas na lumalabas para tingnan ang seguridad, ang pagmo-monitor din po kung ano ang nangyayari sa lugar natin po – kung may baha, kung may kalamidad. So, kinakailangan din po iyan,” wika ni Undersecretary Claire Castro na tumatayong Palace Press Officer ng Palasyo.
“At nakikita din po ninyo ang kadalasang pagbiyahe ng Pangulo dahil hinihikayat niya ang ibang mga bansa na mag-invest para sa atin dito sa bansa natin,” dugtong ng Palace official.
