WALA nakikita ang Department of Energy (DOE) ng anumang indikasyon kung kailan matatapos ang krisis sa langis na kinakaharap ng buong mundo lalo pa’t lumalala ang tensyon sa Middle East.

Sa isang pulong-balitaan, hayagang inamin ni Energy Secretary Sharon Garin ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado pitong buwan mula nang sumiklab ang hidwaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

“Today, based on our assessment, based on what’s happening in the Middle East, not only in Iran or the surrounding areas but an increasing area of the Middle East, it does not look like it will end anytime soon,” wika ni Garin.

Muling nagpatupad ng taas-presyo sa petrolyo nitong Martes, kung saan P5.68 kada litro ang dagdag sa gasolina, P4.31 sa diesel at P4.62 sa kerosene.

“Now you see in the news that the conflicts there have increased even more. That’s why [prices] are rising again. Our forecast is that this will continue for a long time,” dugtong ng Kalihim.

Gayunpaman, tiniyak ni Gartin na may sapat na suplay ng langis sa bansa para sa susunod ng 50 araw.

Samantala, kinumpirma ng ahensya ang inilabas na sertipikasyon para suspendihin ang pagpapataw ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene matapos lumampas sa $99.41 kada bariles ang benchmark price ng Dubai crude oil mula Agosto 13 hanggang Setyembre 11.

Sa ilalim ng Republic Act 12316, maaaring suspendihin o bawasan ang fuel excise tax nang hanggang tatlong buwan kung umabot o sumobra sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude oil. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *