SA halip na direktang tugon sa panawagan para sa mass resignation ng mga elective national officials, naglabas ng hamon ang Palasayo kay Senador Alan Peter Cayetano.
Sa regular press briefing sa Palasyo, hinamon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro si Cayetano na pangunahan ang pagbibitiw sa pwesto bilang senador.
Una nang iminungkahi ni Cayetano ang sabayang pagbibitiw ng Pangulo, bise-presidente, mga senador at maging mga kongresista sa Kamara, kasabay ng giit ng isang snap election upang manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
Kung seryoso aniya si Cayetano, higit na angkop kung unang magpamalas ng sakripisyo ang naturang senador.
“Oh di you start, do it now. Mauna ka para maging model ka, talagang sakripisyo ka,” ani Castro.
Hindi rin pinalampas ni Castro ang pagkakataon para pukulin ng patutsada si Cayetano na aniya’y nangakong magbibigay ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.
“Huwag mo na kaming bolahin, gusto mo matanggap si Pangulong Marcos sa posisyon at alam namin kung ano yung motibo behind this.”
