SA isang iglap, naulila ang tatlong magkakapatid matapos isakripisyo ng ina ang buhay para protektahan ang mga supling sa pagguho ng lupa sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.
Hindi na nagawang isalba ng mga doktor sa isang pampublikong ospital ang 37-anyos na biktimang kinilala sa pangalang Florisel Mahinay na nagtamo ng matinding pinsala makaraan magulungan ng malaking tipak ng bago sa Sitio Macopoy, Barangay Mascap.
Ayon kay Hazel, panganay na anak ng biktima, dakong alas-5:30 ng umaga ng Mayo 17 nang maganap ang insidente.
Kwento ni Hazel, narinig niya ang pagsigaw ng inang dali-daling inilabas ang mga anak sa bahay na tinutumbok ng naglalakihang tipak na bayong gumuho sa kabundukan.
Wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan sa sanhi ng pagguho ng lupa.
