TULUYAN nang tinuldukan ng Korte Suprema ang agam-agam sa pagdaraos ng halalan.
Sa desisyon ng Korte Suprema, tuluyan nang ibinasura ang petisyon na naglalayong obligahin ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual counting ng mga boto sa antas ng presinto sa ilalim ng Republic Act 9369.
Ayon sa desisyon ng kataas-taasang hukuman, taliwas sa layunin ng automated elections ang pagsasagawa ng parallel manual count sa araw ng halalan.
Samantala, nagpahayag ngman ng kagalakan si Comelec chairman George Garcia sa desisyon ng Korte Suprema.
Ayon kay Garcia, wala rin batas na nagpapahintulot ng parallel manual count na posibleng maging sanhi ng pagka antala na pwedeng aniyang gamitin pagkakataon para dayain ang resulta ng halalan.
