
INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) na akda ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Sa bisa ng 23 boto (lahat pabor), ganap nang pinagtibay ng mataas na kapulungan ang Senate Bill 2825 na mas kilala sa tawag na PhiVolcs Modernization Bill.
Sa sponsorship speech ni Cayetano noong Disyembre ng nakalipas na taon, binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pagpapahusay sa kakayahan ng Phivolcs upang palakasin ang mga paghahanda ng pamahalaan laban sa sakuna.
“Ang Pilipinas kasi isa sa pinaka-vulnerable [when it comes to disasters caused by natural hazards]. That’s what this modernization bill is about. How we can mitigate disasters, risks, how we can prepare, and how we can also take care of our nature better,” ani Cayetano.
Layunin ng panukala na palakasin ang PhiVolcs para sa mas epektibong pagganap sa nakaatang na mandato. Kasama sa mga plano ang pagkakaroon ng makabagong kagamitan, pagpaparami ng seismic station, at pagpapataas ng sahod at pagsasanay sa tauhan. (Estong Reyes)