NI ESTONG REYES
SA kabila ng sandamakmak na ilog at lawang pinagkukunan ng supply ng inuming tubig, nagbabala ang isang senador sa di umano’y nakaambang krisis.
Panawagan ni Senador Lito Lapid, sabayang tugon ng pamahalaan at pribadong sektor para maiwasan ang aniya’y nakaambang krisis sa supply ng tubig sa bansa.
Sa mensaheng binigkas sa 30th PWWA International Conference and Exhibition sa Boracay, binigyang-diin ni Lapid ang kahalagahan ng tubig sa ekonomiya, partikular sa turismo, industriya, agrikultura at iba pang sektor ng lipunan.
Para sa senador na tumatayong chairman ng ng Senate Committee on Tourism, kasalanang mortal sa pamahalaan kung magkikibit-balikat lang sa nakaambang water crisis.
“Para sa ating nakakaalam, may namumuong krisis na kailangan nating pangunahan bago pa man tuluyang lumaki ang problema sa bansa.”
“Maraming lugar na kulang pa sa infrastructure para matugunan ang pangangailangan sa nasasakupang distrito. Ito ay dahil luma na o kaya ay hindi na kaya dahil sa mabilis na pagdami ng populasyon o ng development. Ang iba naman ay nasira na dahil sa matinding hagupit ng bagyo at iba pang kalamidad,” wika ni Lapid.
Sa gitna aniya ng namumurong water crisis, napapanahon nang pagtibayin ng Kongreso ang panukalang nagtutulak sa paglikha ng Department of Water na tutok sa problema ng tubig sa bansa.
Karagdagang Balita
PAGDALO NI DIGONG, TABLADO NA SA QUAD COMM
PERA-PERANG POGO RAID, TATALUPAN NG KAMARA
BINAWING SUSPENSION ORDER VS. ERC CHIEF, FAKE NEWS?