PARA kay Abra lone district Rep. JB Bernos, hihit na angkop maglaan ang gobyerno ng pondo para sa subsidiya ng inaprubahang bakuna kontra African swine fever (ASF) upang matulungan ang mga maliliit na hog-raisers. Panawagan ni Bernos na kasapi ng House Committee on Agriculture and Food, sa mga kapwa mambabatas, susugan ang paglalaan ng pananalapi bilang subsidiya para sa hanay ng backyard pig farms. Ayon kay Bernos, nakapaloob sa panukalang 2027 national budget ang isang bilyong hirit ng Department of Agriculture (DA) para sa implementasyon ng ASF vaccine subsidy program. “Malaki po ang maitutulong ng pondo para protektahan ng mga magsasaka ang kanilang mga alagang baboy at ang kabuhayan nilang nakasalalay rito,” pahayag ni Bernos. Nabatid kay Bernos na sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroon ng ASF vaccine para sa fatteners, o mga alagang baboy para sa pork meat production matapos na aprubahan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang commercial sale ng AVAC ASF LIVE, na na-developed ng AVAC Vietnam Joint Stock Company. Binigyan-diin ng kongresista ang pangangailangan mapalawak ang access sa ASF vaccines para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit sa mga alagang baboy. “These vaccines could prove important in ensuring the health of our hog industry, which will in turn protect our consumers from the rise in price of this staple food due to supply instability.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mastermind ng ‘confiscam’ ilalantad ng prosekusyon Kaso kontra Duterte, dapat maunawaan ng taumbayan