SA nalalapit na pagtalakay ng Senate impeachment court sa bagong alegasyon laban kay Vice-President Sara Duterte, kailangan maunawaan ng Pilipino ang bawat panloloko ng pangalawang pangulo. Ayon kay House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers, mahalaga rin maintindihan ng publiko ang betrayal of public trust o pagtataksil sa tiwala ng taumbayan ni Duterte. Paliwanag ni Barbers, magkaugnay ang maling paggamit ni Duterte ng considential funds na nakapaloob sa Article 1, at ang usapin ng Statement, Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na nakasaad naman sa Article 2. Ibinahagi rin ni Barbers ang paghahanda ng prosekusyon sa isang public recap sa usapin ng confidential funds misuse at unexplained wealth sa paraang mas madaling maintindihan ng mga ordinaryong Pilipino. “Ito ay isang paraan para maipaliwanag natin sa ating mga kababayan,” saad wika ni Barbers. Samantala, sinegundahan naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, kabilang din sa hanay na spokespersons ng House prosecution, ang posisyon ni Barbers na ang pagpiprisinta sa korte ay may kaakibat na responsibilidad, partikular ang pagpapaliwanag sa taumbayan. Mas makakabuti rin aniya na malaman ng mga mamamayan kung saan napunta ang buwis na kanilang ibinayad sa gobyerno, gayundin ang pondong napunta sa mga tanggapan ni Duterte. “Ito ay tunay na pera ng ating taumbayan,” giit ng Mindanaoan lawmaker tungkol sa P612.5 million confidential funds ng bise presidente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pondo para sa ASF vaccine subsidy program, hirit ng solon Karapatan bumoto sa hatol kay Sara, iginiit ni Marcoleta