
SA gitna ng mga napaulat ng kakulangan ng supply, hindi na kinaya ng mga rice traders na mag supply ng bigas sa presyong P38 kada kilo.
Gayunpaman, naniniwala ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na posible pa rin naman ipasa nila ang bigas na kanilang pinapakyaw mula sa mga lokal na magsasaka at yaong mga inaangkat sa ibang bansa kung sasagutin ng pamahalaan ang P500 dagdag sa presyo ng bigas na kanilang binabalikat sa bawat ng sako ng bigas na kanilang ibinabagsak sa mga rice retailers.
“P38 per kilo of rice is not available in all markets… When we started in July, our subsidy was only for P4 to P5 per kilo. At present, our subsidy is P10 per kilo or P500 per 50 kilos,” ayon kay PRISM lead convenor Rowena Sadicon.
“In particular, the P38 per kilo became a blockbuster at Commonwealth Market (sa Quezon City)… This is voluntary. If our stakeholders are open to add, aside from the allocation they committed, we will welcome it and we hope it will increase,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, pumalo na sa P55 per kilo ang bentahan ng local regular milled rice, habang nasa P57 naman ang presyo kada kilo ng local well-milled rice. Ang local premium rice naman ang nabibili na ngayon sa halagang 60 per kilo samantalang P62 naman kada kilo ang local special rice.
Ayon pa kay Sadicon, nanatili sa P25 per kilo ang farmgate price ng palay habang P33 per kilo naman para sa mga pinatuyong palay.