Habang nagkakagulo sa bansa bunsod ng kabi-kabilang kilos-protesta laban sa korapsyon sa likod ng tinaguriang flood control kotong, naispatan naman ang pamilya ni Ako-Bicol partylist Rep. Zaldy Co, habang namimili ng mga designer clothes sa Paris, France.
TARGET ng pamahalaan humingi ng saklolo sa International Police Organization (Interpol) para matunton ang pinagtataguan ni Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co na kabilang sa mga hinihinalang utak sa likod ng flood control kotong.
Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na mas mainam kung ang Senado — kung hindi man Department of Justice ang pormal na makipag-ugnayan sa Interpol para sa paglabas ng “blue notice.”
Kinumpirma din ng Palasyo na wala na sa Estados Unidos ang mambabatas na lumisan sa Pilipinas para sa “medical treatment.”
“Since mayroong investigation sa Senado, mas maganda kung sila ang mag-request ng blue notice,” wika ni Palace Press Officer Claire Castro.
Sa panig ni Justice Secretary Crispin Remulla, may ilang impormasyon na umano ang natanggap ng kagawaran hinggil sa kinaroroonan ng nagtatagong kongresista.
“Nasa Europe ‘yun [Rep. Co]… Spain or France. A lot of text messages are coming in that he’s in France,” sambit ng DOJ chief sa isang panayam.
Inamin din ni Remulla na kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang DOJ sa Interpol para sa matukoy ang kinaroroonan ng partylist congressman na ikinanta ng mga dating opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kaugnay na balita, nagpaabot ng isang maigsing mensahe si House Speaker Faustino Dy III kay Co — “Meron ka na lang hanggang Setyembre 29 para umuwi sa bansa.
