INILABAS na ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga pumasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE), Fire Officer Examination (FOE), and Penology Officer Examination (POE) na sabayang idinaos noong Hunyo 2, 2024.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles na aabot sa 8,493 indibidwal ang nadagdag ngayon sa “roster of eligibles,” na kinabibilangan ng 938 passers mula sa BCLTE, 5,566 naman FOE, at 1,989 ang sa POE.
Sa pagtataos ng komisyon, lumalabas na pinakamataas ang passing rate sa hanay ng fire officers na nakapagtala ng 65.4 percent, kasunod ang penology officers na umani ng 23.43 percent passing rate at BCLTE na may 11.09 percent.
“We extend our heartfelt congratulations to the 8,493 new eligibles from this batch of examinations. This eligibility opens doors for you to pursue relevant positions, and we eagerly anticipate welcoming you as fellow public servants dedicated to providing timely and high-quality service in your respective fields,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Si Jaylie Christ Patlunag na mula sa Northern Mindanao ang nanguna sa FOE sa gradong 95.34, habang si John Carlo Plaza naman mula sa Southern Luzon ang nakakuha ng pinakamataas na rating na 93.25 para sa POE.
Sa BCLTE, sina Jose Bechaida na mula Bicol Region; Renelyn Gamasan ng Southern Tagalog, at Alyssa Faith Rivero na taga-Western Visayas ay kapwa nakapagtala ng pinakamataas na markang 93.77 rating.
Ang iba pang top passers sa FOE ay sina Reymond Borbe (Bicol Region, 94.79); Reynold Jay Bahunsa (Northern Mindanao) at Pantaleon Cadao (Central Visayas) kapwa 93.42 ang rating; Joerie Suboc (NCR), Sahlee lllut (Central Visayas), at Francis Christian Conde (Bicol Region) mayroong 93.15 rating; at Ralph Emil Zenarosa (Bicol Region), Tricia Mae Baleros (Southern Tagalog), at Joey Boy Moog (Southern Tagalog) naman ay nakakuha ng 92.88 rating.
Para sa POE, si Plaza ay sinundan nina Zedny lmmatong at Emmanuel Bacud, kapwa taga-CAR na mayroong 92.99 rating; El-din Hazraf Hadjinor (SOCCSKSARGEN, 92.73); sina Mark Joseph Calixton (SOCCSKSARGEN), Fe Rosello (Eastern Visayas), at Cathryn Joy Antonio (Southern Tagalog) nakuha ng 92.47 rating; Febie Gel Dagson (CAR, 92.21 rating); Marivic Pastor (Cagayan Valley, 91.95 rating); at sina Lourreyn May Porquiado (Davao Region) at Danica Cenita (Bicol Region) sa 91.43 rating.
Top passers sa BCLTE ay sina Christian Guspid ng Cagayan Valley (93.44); Edward Vange Arriba mula Davao Region (92.79); sina Renmar Dasco ng Bicol Region, Jocelyn Sisperez ng Southern Tagalog, at Rhel Suarez ng Davao Region ay nakakuha ng 92.46 rating. Kasama rin sina Melissa Constantino ng National Capital Region, Ezekiel Escol ng Caraga, at Ann Stephanie Serrano mula sa Southern Tagalog na nakakuha ng score na 92.13.
Samantala, makikita sa regional profile na maraming bilang ng Fire Officer passers (11.30 percent) at BCLTE passers (13.33 percent) ay mula sa Southern Tagalog, habang ang 16.39 percent ng POE passers ay mula sa NCR.
Para makita ang kumpletong listahan ng mga successful examinee ng 2 June 2024 FOE, POE, and BCLTE tumungo sa CSC website na https://csc.gov.ph/
Maaaring kunin ng mga pumasa ang kani-kanilang Certification of Eligibility sa CSC Regional/Field Offices. Ang lahat ay inaabisuhang i-verify muna sa CSC Regional or Field Office na nakakasakop sa kanila sa availability, mga requirement at procedure sa pagkuha ng nasabing certification.
Kung nais naman ng examinee/s, pumasa man o hindi sa alinmang nabanggit na mga pagsusulit na kumuha ng kanilang individual ratings, maaaring gamitin ang OCSERGS o ang Online Career Service Examination Result Generation System.
Paliwanag ng CSC, ang Fire Officer Eligibility at Penology Officer Eligibility ay pasok sa kategorya ng second level eligibilities na kinakailangan para sa second level ranks sa fire protection at jail management and penology services, at iba pang kahalintulad na mga serbisyo. Ang mga eligibility naman ay hindi kabilang sa anumang ranggo sa ilalim ng Philippine National Police.
Sa kabilang banda, ang Local Treasurer Eligibility, ay isang second level eligibility na para sa appointment sa Local Treasurer at Assistant Local Treasurer positions, at sa posisyon sa ilalim ng Financial Services sa civil service, subalit hindi para sa pangangailangan sa pag-practice sa profession o nasasaklaw ng Bar/Board at special laws.
