WALA pang natatanggap na petisyon para sa pansamantalang kalayaan ang Sandiganbayan Third Division mula kay dating House Speaker Martin Romualdez. Kasalukuyang nakapiit sa New Quezon City Jail ang dating lider ng Kamara matapos sampahan ng kasong plunder kaugnay ng tinaguriang flood control scandal. Una nang nagpahiwatig ang kampo ni Romualdez hinggil sa “petition for bail” para sa pansamantalang kalayaan ng Leyte congressman na naghain ng “not guilty plea.” Nakatakda ang pre-trial hearing sa kaso ni Romualdez sa Biyernes, Setyembre 25. Setyembre 7 nang dakpin si Romualdez habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City dahil sa karamdaman. Matapos ang ilang araw, inilipat ang kongresista sa Philippine General Hospital (PGH) para sumailalim sa “independent medical assessment” na nagsilbing batayan ng Sandiganbayan sa hirit na hospital arrest. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Fast food business ni Sara, tiba-tiba sa 49 kontrata Hamon sa DOJ: Sampolan mga bilyonaryong smuggler