Ni Estong Reyes
MAGKAKAROON ng posibleng negatibong kahihinatnan ang tangka ni House Speaker Martin Romualdez na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constitutional assembly na bobotong magkasanib ang buong Kongreso.
Sa pahayag, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na nakakabahala ang peoples inititiative ni Romualdez dahil lulusawin nito ang kapangrihan ng Senado kaya’t maaari nang amendahan ang Saligang Batas sa kabuuan o alinmang probisyon nito tulad ng pulitikal.
“Kapag pumasa itong proposal nila sa PI, mas madali pang baguhin ang Konstitusyon kaysa magpasa ng batas or to amend a law,” ayon kay Cayetano na isang abogado.
Sinabi ni Cayetano na ang 24 na senador, na noong Martes ay nagpahayag ng manipesto laban sa PI na hindi tumututol dito upang protektahan ang kanilang posisyon kundi protektahan ang Senado bilang isang institusyon.
“The reality is that when you are at war, everything stops and you focus on survival. For the Senate this becomes a survival issue not just because we are protecting our position, but also the institution,” wika niya.
Kaya’t umapela si Cayetano sa grupo ni Romualdez na huwag sunugin ang mismong bahay na kanilang pinaglilingkuran sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).
“Let’s not burn the house down.”
Sa panayam pagkatapos ng groundbreaking ceremony ng bagong crime laboratories ng Philippine National Police (PNP), , sinabi ni Cayetano na magkasing-halaga ng proseso ang resulta sa Charter amendment.
“What I learned in politics is simple — it’s not just the results but also the process of getting there. Hindi pwedeng ‘the end justifies the means.’ Hindi pwedeng ‘Eh mali ‘yon, patayin mo o sunugin mo.’ You’ll burn the House down [if you do that],” wika ng independent senator sa reporters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong January 26, 2024.
Aniya, ang pangunahing dahilan kung bakit tahasan ang pagtanggi ng mga senador sa PI ay ang panukalang ‘joint voting’ ng Kamara at ng Senado sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Ayon sa kanya, ito ay “shortcut” sa isang napakahalagang proseso.
“Y’ung results kasi talaga ang nire-reach-out ng mga senador. Shino-short cut kasi y’ung proseso na vote jointly. Basically ang sinasabi mo, (dahil) hindi mo maconvince ang mga senador, i-abolish na lang natin sila,” wika niya.
“If sila (House) naman ang kinakapon, they will be reacting similarly. Kapag binaboy at mali ang proseso, mali na lahat ito,” dagdag niya.
Kaya naman aniya, kailangan ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng Senado at Kongreso.
“Ang pinanggalingan ng issue na nito, hindi daw gumalaw ang Senate sa economic issues so wala daw silang choice. Pero duda ng Senate, may political provisions din na gustong palitan,” wika niya.
“Kailangang mag-usap talaga,” dagdag niya.
Inihayag ni Cayetano na bukas siya na maging tagapag-ugnay ng dalawang panig.
“If I could be of service to the President, House, Senate, why not? That’s why I am keeping my opinion to myself para may matira pa rin na pwedeng makipag-usap,” wika niya.
Aniya, ito ay mahalaga dahil sa huli, ang mga Pilipino ang sasalo ng bigat ng nagsisimulang “constitutional crisis.”
“[Dapat maayos ito] dahil sa huli, kapag nagsuntukan ang Kongreso at Senado, ang mabubugbog at magkaka-black eye ay ang taumbayan,” wika niya.
“Kapag hindi tayo mag-ayos, isa lang ang sasabihin sa ating ng taumbayan: PI,” dagdag niya.
