KASABAY ng ika-130 plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ganap nang inihalal bilang bagong pangulo ng samahan ng mga obispo ng Simbahang Katoliko si Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa, Batangas.
Sa pagtatapos ng termino ni Cardinal Pablo Virgilio David ng Kalookan, iniluklok naman ang dating pinuno bilang Vice President ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.
Bilang Pangulo, pamumunuan ni Garcera ang CBCP Permanent Council na nangangasiwa sa araw‑araw na operasyon at pagpapatupad ng mga desisyon ng plenary assembly ng mga obispo.
Kakatawan din si Garcera sa Simbahang Katoliko ng Pilipinas sa mga pambansa at pandaigdigang kaganapan, kabilang ang pakikipag pulong sa Vatican at iba pang bishops’ conferences.
Bago pa man nahalal ng mga kapwa obispo, si Garcera ay nagsilbi bilang pari at executive secretary ng Episcopal Commission on Mission, naging obispo ng Daet noong 2007, at miyembro ng CBCP Permanent Council para sa Southeast Luzon.
Makikipagtulungan si Archbishop Garcera sa mga bagong opisyal ng CBCP, kabilang ang 10 regional representatives ng Permanent Council. (JULIET PACOT)
