HINDI pa man ganap na nalusutan ang mga naunang bulilyaso, posibleng maharap sa panibagong kaso si dating Senador Bong Revilla matapos ihayag ng Department of Justice (DOJ) ang pagrerebisa ng nakaumang na resolusyon kaugnay ng isa pang flood control anomaly.
Sa ginanap na press briefing sa DOJ, kinumpirma ni Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng departamento na “under review” na sa Prosecutors Division ang resolusyon kaugnay ng panibagong reklamo.
Partikular na tinukoy ni Martinez ang reklamong malversation at plunder na ikinasa laban kina Revilla at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Gayunpaman, walang ibinahaging petsa ang DOJ official sa paglabas ng pinal na resolusyon ng prosekusyon hinggil sa mga naturang reklamo.
“The resolutions for Zaldy Co’s Plunder case and Revilla’s Malversation case are currently under review with the Division Chief. No exact date of release yet,” ani Martinez. (JULIET PACOT)
