HINDI pwedeng isantabi ang mga panukalang batas na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Ito ang buod ng pahayag ni Senate President Sherwin Gatchalian, kasabay ng isang garantiya — ang pagbibigay prayoridad sa panukalang batas na nagsusulong ng restriksyon sa paggamit ng social media sa mga menor de edad.
Pagtitiyak ni Gatchalian, isusulong ang naturang panukala sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.
Aniya, hindi na dapat mapag-iwanan ang Pilipinas sa lumalawak na hakbang ng iba’t ibang bansa kung saan agresibong pinoprotektahan ang mga kabataan laban sa masamang epekto na dulot ng social media.
“Sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso, bibigyang-prayoridad ng Senado ang panukalang batas na ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad,” aniya.
“Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ang kinabukasan ng ating kabataan ang nakataya dito,” pahabol ni Gatchalian.
